Ang Carranza Barristers & Solicitors ay pangunahing nakatuon sa pagsisilbi sa mga napinsalang tao mula sa aming mga pamayanan.  Nang higit sa sampung taon, nakabuo kami ng isang kasanayan sa personal na pinsala na nakatuon sa pagsisiguro na ang mga biktima ng aksidente ay makatanggap ng mga benepisyo ng seguro at bayad  na  kung  saan  ay

 

karapat-dapat ka.

 

 

 

Kami ay nagagalak sa aming talaan ng pagpapagawa sa mga kumpanya ng seguro ng kanilang mga obligasyon sa ilalim ng mga patakaran na binayaran mo, at nagsisiguro na ang mga tagaseguro ng mga tao na nagsanhi sa iyong aksidente ay magbayad din ng wasto sa iyo.

Marami sa aming mga kliyente na napinsala sa isang aksidente ay kumaharap sa mga paghihirap sa kanilang mga nagpapatrabaho.  Bilang resulta, ang isang natural na pagpapalawak ng aming trabaho ay batas sa pamamasukan, at nag-aalok na kami ngayon ng isang saklaw ng mga serbisyo sa batas sa pamamasukan sa mga kumakaharap sa pangmamaliit , pang-aabuso, o hindi patas na pagkaka-alis mula sa kanilang mga trabaho, mangaling man ito o hindi mula sa isang kapansanan.

 

Bilang karagdagan, dahil marami sa aming mga abogado, kawani, at mga kliyente ay nagmula sa mga nandarayuhang pamayanan, ang pandarayuhan ay isang natural na alalahanin.  Nagbibigay kami  ng pagkatawan para sa mga isyu sa pandarayuhan at sumusuporta sa pagpapasimuno para sa makatarungang mga patakaran at pamamaraan sa pandarayuhan.