Upang makatanggap ng mga benepisyo sa aksidenteng mula sa tagapagseguro ng awto matapos ang isang aksidente, kakailanganin mo ng mga sumusunod na form.  Magagamit ang mga form sa format na Adobe Reader (PDF) sa website ng Financial Services Commission of Ontario, at maaaring mai-download at mailimbag.

 

 

 

 

Kung kailangan mo ng Reader maaari mo itong mai-download sa pamamagitan ng pag-click dito:  

 

May limang mga form sa package naito ( na magagamit din nang hiwalay):

 

Application para sa Mga Benepisyo sa Aksidente (OCF-1)

(PDF)

Ang Application para sa Mga Benepisyo sa Aksidente ay dapat maibalik sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang package. Kung hindi ka nakapagbalik nito sa loob ng 30 araw, isumite pa rin ito sa iyong kumpanya ng seguro at ipaliwanag kung bakit hindi mo ito nakumpleto sa loob ng 30 araw. Ibalik ang orihinal na form sa kumpanya ng seguro at gumawa ng isang kopya para sa iyong mga tala.

 

Kumpirmasyon ng Kita ng Pinagtatrabahuhan (OCF-2)

(PDF)

 Dapat makumpleto ang form na ito kung kumukuha ka ng Mga Benepisyo sa Kapalit ng Kita – kung namamasukan ka ng hindi kukulangin sa 26 na linggo sa taon bago maaksidente at hindi nakabalik sa trabaho nang higit sa isang linggo matapos ang aksidente.

 

Sertipiko sa Pagkakaroon ng Kapansanan (OCF-3)

(PDF) (Napupunang MS-Word)

Ang form na ito ay napunan mo at ng duktor na gumagamot sa iyo o ibang health practitioner (chiropractor, dentist, occupational therapist, nurse practitioner, optometrist, physician, physiotherapist, occupational therapist, speech language pathologist o psychologist).

 

Pahintulot upang Maibunyag ang Impormasyon sa Kalusugan (OCF-5)

(PDF) (Napupunang MS-Word)

Pinahihintulutan ng form na ito na makapasok ang kumpanya ng seguro sa iyong personal na mga talaang pangmedikal.  Huwag punan ang form na ito maliban kung ang humahawak na taga-ayos sa iyong paghabol ay tiyak na humihiling nito.  Itanong sa taga-ayos kung aling mga tala ang kailangan at bakit, at tiyaking sumulat sa form ng mga tiyak na petsa kung saan ka nagpapahintulot sa pagpasok ng kumpanya sa seguro.

 

Form ng Paunang naaprubahang Balangkas ng Pagkumpirma sa Paggamot (OCF-23/198)

(PDF) (Napupunang MS-Word)

Kailangan lamang mapunan ng form na ito kung bumagsak ang iyong mga pinsala sa ilang mga kategorya at hiniling ito ng iyong kumpanya ng seguro.

 

Pagpili sa Pamalit ng Kita, Hindi Kumikita, o Benepisyo ng Tagapangalaga (OCF-10)

(PDF)

Bagaman maaari kang maging karapat-dapat sa Benepisyo ng Pamalit, Benepisyo ng Hindi Kumikita at/o ng Benepisyo ng Nangangalagang nakalista sa Paliwanag ng Mga Benepisyo ng Kumpanya ng Seguro (OCF-9), makakatanggap ka lamang ng isa sa mga benepisyong ito. Dapat kang pumili kung aling benepisyo ang nais mong matanggap. Kung kailangan mo ng tulong sa pagpili ng benepisyo, mangyaring makipag-ugnay kaagad sa isang abogado o kinatawan ng iyong kumpanya sa seguro. Ibalik ang form na ito ng hindi lalampas sa 30 araw mula sa petsa na natanggap mo ito. Gumawa ng isang kopya para sa iyong sariling talaan.

 

Application para sa Mga Gastos (OCF-6)

(PDF)

Gamitin ang form na ito upang maisumite ang mga gastos tulad ng paggagamot, physiotherapy, masahe o iba pang paggagamot na naaprubahan ng tagapagseguro; pag-aalaga ng bata; pangangalaga ng attendant; pangangalaga ng bahay o pagpapanatili ng bahay; transportas yon; nasirang damit o mga salamin, atbp.  Mga orihinal na resibo para sa mga gastos na natanggap mo ay dapat maisumite kasama ang form na ito.  Narito ang mga halimbawang resibo para sa pangngalaga sa bahay, pag-aalaga ng bata o tagapangalagang attendant na maaaring maging mga kaibigan o pamilya kaysa sa mga propesyonal.

 

Mga Gawain sa Normal na Buhay (OCF-12)

(PDF) (Napupunang MS-Word)

Maaaring hilingin sa iyo ng kumpanya sa seguro na punan ang form na ito kung natanggap mo o ipinagpalagay nilang maaari kang maging karapat-dapat sa pangangalaga ng bahay, pangangalaga ng attendant o mga benepisyo ng hindi kumikita.

 

Pagpapahayag ng Kita at Mga Benepisyo Pagkatapos ng Aksidente (OCF13)

(PDF)

Kung hindi ka nakapagtrabaho sa iyong normal na trabaho o sa mga regular na oras, ngunit nakapagtrabaho sa ilang abot o nakakuha ng mga benepisyo sa kapansanang mula sa trabaho, gamitin ang form na ito nang sa gayon ay makalkula mo nang maayos ang halaga ng iyong Benepisyong Kapalit ng Kita.

 

Application sa Pag-apruba ng isang Pagsusuri o Eksaminasyon (OCF-22)

(PDF) (Napupunang MS-Word)

Kung sa palagay ng iyong duktor o manggagawa sa rehabilitasyon ay dapat na masuri ng isang espesyalista na hindi saklaw ng OHIP, tulad ng physiotherapist, isang occupational therapist o isang espesyalistang pangmedikal para sa isang kuro-kurong patungkol sa maaabot ng iyong kapansanan (na maaaring hindi saklaw ng OHIP sapagkat ito ay hindi ‘kinakailangang pangmedikal’), gamitin ang form na ito upang mahiling sa tagapagsegurong masaklaw ang gastos ng pagsusuri.

 

Application sa Pagpapagitna (Form A)

(PDF Naililimbag na Form) (PDF Napupunang Form)

Maaaring tumanggi ang iyong tagapagsegurong magbayad ng isang benepisyo kung saan ka mag-aapply at kung saan ka naniniwalang may karapatan kang makakuha. Kung mangyayari ito, dapat kang magtangkang lumutas ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagpapagitna bago makagawa ng ibang mga ligal na hakbang. Gamitin ang form na ito upang makapagtalaga ng isang tagapagpagitna ng Financial Services Commission of Ontario (FSCO).  Libre para sa iyo ang mga serbisyo sa pagpapagitna ng FSCO.

 

Kung hindi nalutas ng pagpapagitna ang hindi pagkakaunawaan, at naniniwala ka pa ring may karapatan kang makakuha ng benepisyo, dapat kang makipag-ugnay sa isang abogado patungkol sa iyong mga pagpipilian.  Kung nagpatuloy kang hamunin ang iyong kumpanya  ng seguro, tatanggap sila ng isang abogado sa puntong ito upang payuhan at ikatawan sila.  Maaari mong piliin ang paghabla ng iyong tagapagseguro para sa paglabag ng kontrata ng seguro, o humihiling ng isang pagdinig bago angisang tagapagpagitnang FSCO upang malutas ang isyu.  Ang pagpapagitna ng FSCO ay talagang mas mura at mas mabilis, ngunit may mga panahong kapag ito ay nasa interes mo ng paghabla sa kanila sa halip.  Maaaring maipaliwanag ng isang abogado ang mga benepisyo at problema sa bawat pagpipilian at inirekumendang maaaring maging pinakamahusay sa iyo sa iyong mga sitwasyon.