skip to main content

LIBRENG KONSULTASYON 1.877.633.10651.877.633.1065

Back to Top

Sertipikasyon ng ISO

Sa pamamagitan ng bawat pakikisalamuha, nagsisikap kaming makaramdam kayo ng ginhawa, ligtas at suporta sa abot ng aming makakaya.

Labis kaming naninindigan sa pagtiyak na palagi naming natutugunan ang inyong mga pangangailangan at ng inyong pamilya, ang Carranza ay naging tanging sertipikado ng ISO 9001:2008 na law firm para sa personal na pinsala sa Canada.

Ginawa namin ito dahil kayo ang pokus sa lahat ng ginagawa namin. Ginawa namin ito, dahil kayo ay mahalaga.

Ang sertipikasyon na ito ng ISO 9001:2008 ay nagtitiyak na ang aming law firm para sa personal na pinsala ay pinapangasiwaan sa pinakamataas na pamantayan ng serbisyo sa kliyente, na patuloy naming pinagbubuti ang aming komunikasyon, aming pagsasanay at aming mga pamamaraan. Palagi naming nirerepaso kung ano ang aming ginagawa at gaano namin ito kahusay ginawa, at patuloy na pinaghuhusay ang aming mga serbisyo batay sa aming mga tagumpay.

Bilang bahagi nito, nangangako kaming:

  • magbigay ng propesyonal, may kaalamang legal na representasyon at masigasig na adbokasiya sa aming mga kliyente nang may integridad at pang-unawa;
  • patuloy na tugunan ang mga panlegal na pangangailangan ng aming mga kliyente mula sa unang pakikipag-ugnayan hanggang sa pagsasara ng kaso;
  • magbigay ng sensitibo sa kultura at naangkop sa wikang mga serbisyo na nagbibigay sa amin ng kaibahan mula sa aming mga kakumpetinsiya;
  • magpapanatili ng mabuting sistema ng de-kalidad na pangasiwaan;
  • magbigay ng segurado, disenteng trabaho sa mga taong may kaparehong mga layunin sa kompanya;
  • magtaguyod ng komunikasyon, inisyatibo ng empleyado, pagsasanay, pagpapahusay sa kasanayan at pagbibigay kapangyarihan sa loob ng kompanya;
  • mag-ambag sa ating mga komunidad at sa mga pagsisikap na pang-adbokasiya ng mga grupong nalilimitahan batay sa kapansanan, lahi, kasarian, estado sa ekonomiya at katulad na nag-uri-uring basehan.

Ang aming tagumpay ay nasusukat sa pamamagitan ng kasiyahan ng aming mga kliyente at mga organisasyong inirerekomenda kalakip ng aming probisyon ng panlegal na mga serbisyo na palaging nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan..

Carranza

Carranza LLP represents clients in Toronto and the greater Toronto area (GTA), Niagara, St. Catharines, Hamilton, Burlington, Oakville, Mississauga, Brampton, Richmond Hill, Aurora, Newmarket, Markham, Pickering, Ajax, Whitby, Oshawa, Belleville, Kingston, Ottawa, Guelph, Kitchener, Waterloo, London, Barrie, North Bay, Sudbury.